About
Digital Batang Pinoy - was an initiative that I started in iCafe
Pilipinas to teach internet safety and security to children way back in
2010. The different blog post were written in Filipino in order to have
a wider reach with the intention of having it translated into the
various dialects in the Philippines. When I left iCafe Pilipinas in
September, 2010 these blog post were posted under a different name. I
believe that it is time for it to come home to where it is really
supposed to be.
Ako ay naging isang opisyal ng samahan ng mga may-ari ng internet cafe, marami-rami na rin akong mga magulang na napapakinggan na nagrereklamo sa pagkasira ng buhay ng kanilang mga anak dulot ng pagkagahaman sa paglalaro ng mga computer games sa internet cafes. Kahit saan akong magpuntang pagtitipon saan mang panig ng bansa ay pare-pareho na lang ang kanilang mga istorya sa aking tungkol sa mga nangyayari sa loob ng mga internet cafe sa kanilang mga lugar.

Ang
kanilang mga anak ay hindi nakatapos ng pag aaral dahil ito ay natutuong
magbulakbol at magtigil na lang sa internet cafe ng buong maghapon. Ninanakawan
sila ng salapi at gamit upang maging panustos ng kanilang mga anak sa
kanilang bisyo na paglalaro ng computer games sa internet cafe. Noong nakaraang lingo habang ako ay nasa Davao City para isaayos ang isang pagtitipon ng mga internet cafes sa Mindanao ay ipinalabas ng iWitness ang “Adik ka ba.com” na isang paglalarawan sa pang araw-araw na buhay ng mga kabataan na nalululong sa paglalaro ng computer games sa internet cafe.

aking laging tugon na lamang ay sa pamamagitan rin ng isang katanungan “bilang
isang magulang ano ba ang inyong ginawa upang tugunan ang problema ng pagkaadik
ng inyong anak sa computer games?” Kayo po ba ay may panahon upang tingnan ang
kung ano ang ginagawa ng inyong anak o nakita nyo na lamang ito noong ito ay
huli na? Tinatanong nyo po ba ang mga guro o prinsipal ng inyong anak kung ano
ang lagay ng kanyang pag-aaral? Ako naman po ay isang magulang rin at nag
mamay-ari ng isang internet cafe ngunit ang anak ko naman po ay hindi siya
naging adik sa computer at paglalaro.
Ang
problema ng kabataan sa pagiging adik sa pagcocomputer ay hindi lamang
nakaatang sa balikat ng mga nagmamay ari ng internet cafe. Maari rin naman
kaming may pagkukulang dahil sa aming nais na kumita ng salapi upang buhayin
ang aming pamilya ay nakakaligtaan namin na mayroon kaming responsibilidad na
dapat gawin upang mapaalalahanan ang aming mga customer sa kanilang paggamit ng
aming computer. Ngunit ang malaking responsibilidad ay naka-atang pa rin sa mga
magulang dahil sila ang may lubos na pag-unawa at ang mga nangangalaga sa
kanilang mga anak. Siguro sagutin nyo na lang ang tanong na ito “ Alas diyes na
ng gabi, alam mo ba kung nasaan ang inyong mga anak?”
Comments
Post a Comment