About Digital Batang Pinoy - was an initiative that I started in iCafe Pilipinas to teach internet safety and security to children way back in 2010. The different blog post were written in Filipino in order to have a wider reach with the intention of having it translated into the various dialects in the Philippines. When I left iCafe Pilipinas in September, 2010 these blog post were posted under a different name. I believe that it is time for it to come home to where it is really supposed to be.
“Uy, Tess” nasambit ni Linda
sa kanyang kaibigan “Kay tagal na ata nating di nagkikita ano ang iyong
ginagawa ngayon?”
“Pasensya na Linda” tugon ni
Tess “ Medyo busy lang ako ngayon at hindi na ako nakakalabas ng bahay.”
Si
Linda at si Tess ay magka eskwela sa ika-apat na taon sa mataas na paaralan
ngunit hindi na masyadong nagkakasama dahil si Tess ay lagi na lang
nagmamadaling umuwi pagkatapos ng kanilang mga aralin.
“Mukhang may bagong boyfriend
ka na ngayon?” tanong ni Linda kay Tess
“Ah, wala pa mayroon lang
akong nakilala online at malimit kaming mag-chat at palitan ng text kaya lagi
na lang akong nagmamadaling umuwi dahil alam ko nag-aantay siya sa aking
pag-oonline sa chat.” ang paliwanang ni Tess.
Naikwento
ni Tess kay Linda na noong nakakaraang buwan ay may nakilala siyang isang
lalaki sa “chat room” at mula noon ay doon na lang umikot ang kanyang
mundo. Malimit silang mag-usap sa chat at kung hindi naman siya naka
online ay malimit silang magpalitan ng text message miski siya ay nasa loob ng
kanyang klase. Malimit din silang magpalitan ng mga litrato at ipinakita ni
Tess kay Linda ang huling litratong pinadala sa kanya na nakaipit sa kanyang
wallet.
“Ang guwapo naman pala niya.
Nagkita na ba kayo ng personal?” Ang pag uusisa ni Linda.
“Hindi pa, lagi lang kaming nag-uusap
sa chat at sa text pero hindi ko pa siya nakikilala ng personal. Lagi raw
siyang busy pero pinangako niya sa akin na sa darating na sabado ay magkikita
kami sa mall parang pinaka unang date naming dalawa.” Sagot ni Tess kay Linda.
Doon
natigil ang pagkwekwentuhan ng magkaibigan sa pagdating ng kanilang mga nanay
at kanya kanya na silang nagpunta sa kanilang mga dapat puntahan. Lumipas
ang isang linggo at Lunes nakita ni Linda si Tess sa loob ng kanilang silid
aralan na parang bilisa at parang may malaking problemang dinadala.
“Tess, Tess bakit parang ikaw
ay tulala ngayon at malaki ang iyong problema.” ang tanong niya sa kanyang
kaibigan
Naikwento
ni Tess ang nangyari sa kanyang date noong nakaraang sabado. Pagkatapos ng
mahabang panahon makikita na rin niya ang taong naging laman ng kanyang isipan
na nakaka-usap lamang niya sa pamamagitan ng chat at text. Ang kanyang
inaasahang matipunong lalaking darating ay kabaligtaran ang kanyang nadatnan.
Ang
nagpakilalang tao sa kanya ay isang lalaking may katandaan na at may katabaan.
Noon una ay hindi siya makapaniwala na siya ang taong kanyang inaantay pero
noong ilahad nito ang lahat ng detalye ng kanilang pag-uusap ay doon siya
natauhan na ang taong sa harapan niya ay siyang malimit niyang maka-usap sa
chat at sa text. Sa kanilang pag-uusap ay nahawakan siya nito ng mahigpit
sa braso at pilit siyang sinasama kung saan. Buti na lang siya ay nagsisigaw at
nagpupumiglas kaya nabitawan siya nito. Nagkaroon siya ng pagkakataong
makatakbo papalayo sa taong gustong gawan siya ng masama.
“Papaano na ito Linda?” ang
tanong ni Tess sa kanyang kamag-aral. “Alam niya ang lahat sa akin. Ang aking
address, telepono at saan ako napasok. Ako ay nangangamba baka ako ay abangan
niya sa labas o gawan niya ng masama ang aking pamilya.”
Comments
Post a Comment